
Panaginip, Panaginip kita
Tuwing mahihimbing
Ikaw at ako doon ay pagtatagpuin
Masayang magkapiling
Bawat yakap mo ay tumitimo
Sa puso ko
Bawat halik mo’y init ng pag-ibig
Iniibig, iniibig kita
Yan ang aking pagsinta
Sa’yong kandungan
Kaligayaha’y dama
Ganda mo’y naiiba
Sa’yong daigdig
Pinagsasaluhan ang ligaya
Bawat saglit ay puno ng pag-ibig
Koro :
Panaginip ka, panaginip ka
Taglay ko ang iyong mga alaala
Tuwing imumulat ang aking mata
Panaginip ka, panaginip ka
Kung ikaw ang siyang lagging kasama
Ayaw ko na sana ang muling magising pa
Adlib : C-E-Am-G 2x
IBULONG MO O HANGIN
Bawat saglit ng iyong mga alaala
Nakaukit sa aking gunita
Ang maamo mong larawan
Nakaukit sa aking isipan
Bawat himig ng pag-ibig
Lilikhain ko an gating awit
Makikisuyo sa hangin kay lamig
Koro:
Hangin dalhin mo ang himig
Hangin dalhin mo ang pag-ibig ko
Ibulong mo ang nais sabihin
Ng damdamin ko.
Hindi ko na mapigil ang aking nadarama
Hanggang ngayon hanap-hanap kita
Nasasabik akong mahagkan kang muli sinta
Kaya’t sa hangin ko na lang maipadarama
Ang pag-ibig ko sayo
Hangin dalhin mo ang himig
Hangin dalhin mo ang pag-ibig ko
Ibulong mo ang nais sabihin
Ng damdamin ko.
MISS ANONG PANGALAN MO?
Sa aking paglalakbay, pauwi na ng bahay
Ang puso ko ay natangay ng kagandahan niyang taglay
Koro:
O.. anong ganda kung siya’y iyong pagmamasdan
Kanyang mga mata’y nag-aalis ng kapaguran
Ang nais ko sana ay makilala ka
Miss anong pangalan mo?
Ang puso ko ay natuwa, na masilayan kang lagi
Sayang lang di mo alam, pagtinging natatangi
(Ulitin ang koro)
At nakilala ka naman, ng mayroong katagalan
Ang puso ko’y binihag mo, agad sinabi ko sayo
Minamahal kita at yan ay totoo, kung nais mo naman
ito’y patutunayan ko.
O sabihin mong mahal mo rin ako
Hanggang kalian maghihintay
(Adlib : koro)
O anong ganda kung siya’y iyong pagmamasdan
Kanyang mga mata’y tila halik ng kalangitan
Ang nais ko sana ay makapiling ka.
Miss minamahal kita
(Adlib)
TAHAN NA
Tahan na, pahiran mo na ang mga luha
Luha ng kabiguan mong dinanas
Dahil ito’y bahagi lang ng buhay
Ang mabigo at magtagumpay
Tahan na hindi pa huli upang ikaw ay magsimula
Tumayo ka sa iyong pagkadapa
Muli mong lakbayin daang kay haba
Katumbas ng hakbang mo ay pag-asa
Koro :
May bahaghari pagkatapos ng ulan
At may liwanag pagkatapos ng kadiliman
May saya pagkatapos ng lungkot
At may tagumpay pagkatapos ng pagkabigo
Tahan na…
(Adlib ulitin ang koro )
Tahan na, tahan na, tahan na
DARATING ANG PANAHON
(Musika at titik : Rod Rodriguez)
Kailan ba iiwanan
Nakaraang din na kailangan
At ang luha’y
Huwag hayaang masayang na naman
Kailan ba lilisanin
Ang bukas mo’y huwag mong sayangin
At sa paglimot
Hayaan munang puso’y malungkot
Koro:
Darating ang panahon
Limot mo na ang kahapon
At iyong mamamasdan
Ang bukas ay makakamtan
Umaga na anong ganda
Puno pa rin ng pag-asa
At ang buhay na hangad
Umasa ka lang at magpatawad
Paano pa susuyuin
Kung puso mo’y ayaw pagising
At sa isip mo
Di malaman kung anong tatahakin
(Ulitin ang koro)
Tulay :
Habang mayroong buhay
May pag-asang pang naghihintay
At matatanaw mga pangarap mo
Darating ang panahon
Limot mo na ang kahapon
At iyong mamamasdan
Ang bukas ay makakamtan
Umaga na anong ganda
Punong-puno ng pag-asa
At ang buhay na hangad
Umasa ka lang at magpatawad
BANGUNGOT
Wala ng paglagyan itong aking mga pangarap
Sobra labis-labis na itong hinahangad
Ang bawat naisin ko ditto agad natutupad
Sa pangarap at panaginip tuloy-tuloy ang pag-unlad
Hindi ko na namalayan ang pag-ikot ng oras
Ang bawat himaymay ng isip ko’y lumilipad
Ang pangarap ko’y bahay na malaki
Ang pangarap ko’y malawak na garahe
Nagkalat ang kotse sa tabi-tabi
Nakadeposito ang pera ko sa ibat-ibang bangko
Ang pangarap ko’y maging presidente
Nagkalat ang bodyguard sa tabi-tabi
Maraming humahanga sa ganda kong lalaki
Pinagkakaguluhan ng mga babae
Bibili ako ng bundok
Tatayuan ko ng palasyo ang tuktok
Sa malamig na kuarto ko ako matutulog
Sana ang lahat ng ito’y huwag maging bangungot
Bangungot, bangungot, bangungot
PRINSESA
I
Ano ba itong nararamdaman
Buhat ng ika’y maging kaibigan
Di ko sinasadya, di ko inaasam
Na puso sa iyo’y mahulog ng tuluyan
II
Bakit pa ba nakilala ka
Kung batid kong wala na ring pag-asa
Tayo’y maging isa, tayo ay magsama
Mabuti pa kayang iwasan na kita
Koro:
Isang gabi ay napanagimpan
Prinsesa sa malayong kaharian
Ng aking Makita at aking pagmasdan
Prinsesang anong ganda’y isang kaibigan
(Ulitin ang II at koro)
Adlib
Isang gabi ay napanagimpan
Prinsesa sa malayong kaharian
Ng aking Makita at aking pagmasdan
Prinsesang anong ganda’y isang kaibigan
(Ulitin ang koro)
MAGPAPAKABAIT NA AKO
Minsan sa may tambayan
Ikaw ay aking nasulyapan
Na nakatingin sa aking kinalalagyan
Mata nati’y nagkasalubungan
Koro :
Dalangin ko kay bathala
Sana ay ikaw na nga
Ang aking makakasama
Dahil iniibig kita
Ako’y pahintulutan mahalin ka aking sinta
Pangako ako’y magpapakabait na
Ano ang ibig sabihin
Ng mga sulyap mo sa aking palihim
Hindi ba ika’y aking napansin
Na ikaw sa aki’y nakatingin
Paghanga kaya, pag-ibig kaya
Pag-ibig o paghanga
Nagkamali man ang mga pangungusap ko
Nagkamali ng dahil sa akala ko ay totoo
Na ang palihim na sulyap mo
Inakalang ako ay mahal mo
(Ulitin ang koro )
Pangako ako’y magpapakabait na (3x)
MAGKAHAWAK-KAMAY
Walang kapantay
Ang pagsusumikap mo sa buhay
Bawat kabanata’y nagsisimula
sa pakikipagsapalaran
Di ba’t ganyan din ng tayo ay pagtagpuin
Ng landas na tinatahak natin
Sa bawat hakbang ang pagsubok ay kasama
Koro :
Magkahawak-kamay sa ating paglalakbay
Sa bawat mithi dahil pag-asa ay buhay
Bagyo at lumbay sa atin di na sisilay
Dahil pag-ibig mo at pag-ibig ko ang gagabay
Hindi man sambitin
Damdamin mo’y damdamin ko rin
Iisa ang tibok at nadarama
Minamahal ang isat-isa.
Di ba’t ganyan din ng tayo ay pagtagpuin
Ng landas na tinatahak natin
Sa bawat hakbang ang pagsubok ay kasama
(Ulitin ang koro)
Dahil pag-ibig mo at pag-ibig ko ang gagabay
AKING AWITIN
I
Kung ako ang siyang hihiling
Lahat sana ay kaya kong gawin
Daga’t man ay tatawirin
Pagka’t nais kitang marating
II
Kung nababatid mo lang ako
Ako na isinilang sa mundong ito
Pag-ibig ang siyang tanging hanap ko
Kailan kaya ito matatamo
Koro :
Di na sana ako naghihirap
Din a sana nangangarap
Magbuhat nang ang puso’y pukawin
mong ganap
Damdamin ko ay namulat
III
Wala akong kayang ibang gawin
Kundi ikaw ay aking mahalin
Wala rin akong yamang inaangkin
Kundi isang awitin, na nanggaling sa akin
(Ulitin ang II at koro)
Wala akong kayang ibang gawin
Kundi ikaw ay aking mahalin
Wala rin akong yamang inaangkin
Kundi isang awitin, na nanggaling sa akin
KALIKASAN
Masdan ang silahis ng bukang liwayway
Sa hardin ng mga rosas na likha ng kalikasan
Pinaghehele ng hangin habagat at amihan
Bawat isa’y may pakay ang magbigay buhay
Sa dapit hapon pagkagat ng kadiliman
Siya naming kinang ng bituin sa kalawakan
Sa dagat masasalamin liwanag ng buwan
Bawat isa’y may pakay gabi ay matanglawan
Koro:
Kalikasan maraming salamat kalikasan
Kalikasan maraming salamat kalikasan
Malinaw na mga ilog at mayamang kabundukan
Tila kristal ang mga batis sa mayabong na kagubatan
Mala gintong palayan at masaganang karagatan
Bawat isa’y may pakay biyaya’y ialay
Kalikasan maraming salamat kalikasan
Kalikasan maraming salamat kalikasan
Unti-unti nawawala kalikasa’y nasisira
Taong kanyang inaruga siya ngayon ang puminsala
Wasak na kabundukan, batis, ilog at kagubatan
Maitim na usok at basura lason ng daigdigan
Kalikasan patawad, patawad kalikasan
Kalikasan patawad, patawad kalikasan
2 comments:
Your song... Dampi... is really annoying...
mirahel band.. my JOHANNES FLONE FAURILLIO b kau n member???
kung meron pls p e-mail nmn d2 blood_killua25@yahoo.com
kc kailangn lng nmin xa ma contact
paki iwan nlng ng contact no. ng band nyu or no. nya s email add s taas!!!
Aku nga pla ung kumpare nya - ERWIN DOMONDON!!
Post a Comment